E, di nagsususlat nga ako sa Filipino, ng tula at, minsan, maikling kwento o kaya ay dagli (hindi mahusay). Tambay din ako sa College of Arts and Letters, dahil nandoon ang isa sa organisasyon ko at karamihan sa kaibigan ko ay taga-CAL.
Mahilig ako sa panitikan. Sa kasalukuyan, plano ko nga na ang kuning mga elective na kurso ay tungkol sa panitikan, teoryang pampanitikan at pagsulat. Kung bakit kasi hindi pa ako sa CAL nagshift kung magsusulat lang din ako, at sa CMC pa, mula sa Engineering, madalas na kantiyaw ng mga kaibigan.
At gusto ko lang sabihin talaga, dahil may kakaunting malay ako sa mga bagay tungkol sa panitikan, teorya ng wika at pagsulat (komunikasyon) mula sa atom nito – kalakip ng usapin ng sikolohiya, kultura, etc. – ay hindi ko maiwasang magkumpara.
Magkaiba nga naman ang CMC at CAL. Ibang oryentasyon. Mas marketable ang CMC courses (baka nga kaya sa CMC ako lumipat at hidni sa CAL?). Pero parehas na nagsusulat. At ang mismong esensya ng pagtalakaay sa communication theory, na tinaalakay din sa CAL, mas mabutbot nga lang, ay malinaw na nagsasabing may hinahabol na koneksyon ang isa sa isa. Ang pagsubok na maging kritikal at analiktiko sa pamamagitan ng pagbalik sa pinakabase ng komunikasyon – dahil parehas ngang ginagamit/ gamit na gamit ng dalawang kolehiyo.
Palaging sinasabi ng propesor naming sa news writing, higit na mahusay ang mga estudyante noon, noong isang institute pa lamang ang CAL at nasa ilalim ng departamento ng ingles at komunikasyon. Subjective, syempre, ang gamit ng salitang “husay”, at, malamang, ay panahon niya ang kaniyang tinutukoy. Kung sa akin, mas kapansin-pansin sa akin ang laki ng nilalaktawan ng Masscomm para maging Masscom bilang isang kolehiyo/ kurso ng komunikasyon.
Sa pagsusulat at pagbrobrodcast, ang usapin ng “objectivity”, ng “universality”, ng ideological biases at framework, ang ugat ng salita at lenggwahe at ang panganib at problema ng walang-malay at bigla-biglang paggamit nito, ang mga diskurso ng pagpili ng paksa at pagbasa ng isang texto – masalimuot na mga problema ng panitikan. Usaping hanggang ngyon ay probema pa rin(?) Na iniiwasan, kung hindi man tuluyang pinababayaan, na pagtuunan ng pansin ng Masscomm. Kakatwa, kasi mas malawak ang saklaw/ masasaklaw na audience ng mga estudyante ng Masscomm kumpara sa maaabot ng mga estudyante ng panitikan.
Natalakay sa klase ang linguistics based theories, ng ga ilang minuto, na ilang linggo naming pinagdebatehan sa isang klase tungkol sa politika at panlipunang halaga ng panitikan, na sa katotohanan ay tumutukoy sa lahat ng uri ng panitikan/ sulatin.
Buhay ang hilig ko sa media at teknolohiya ng pangmadlang komunikasyon. Kaso, mas madalas ko talagang idinidikit ang mga natatalakay sa panitikan, isyu ng kasalukuyan kaysa sa mga palabas sa TV, pelikula at peryodismo. Nakakalungkot lang na mas product-oriented, market-based at sell-lability na ang latag ng curriculum (ano pa nga ba ang inaasahan ko?) at kahit siguro ang buong kolehiyo (magagalit kaya sa akin ang facuty kung mabasa ito?) o ang buong educational system.
Isang halimbawa: workshop sa isang writing class sa journalism – ang karaniwang tanong ay “Saang diyaryo mo kaya pwedeng i-publish yan?” o “Sino ang audience at market mo sa artikulong iyan?” Hindi ito pagbibigay pugay sa kabilang kolehiyo. Sa totoo, halos ganito na din ang tanungan sa pagwo-workshop ng mga akda doon.
Ano kaya ang masasabi ni Derrida at Foucault?