14 years ago
Wednesday, December 30, 2009
Monkey See, Monkey Do?
Ok. Humanist ako sa isang banda. Hindi naman talaga ako naniniwalang nadidiktahan ang tao ng midya. Kung nangyari man iyon noon, hindi ko din alam kung ano talagang paliwanag, pero kung sa ngayon siguro ito ay baka hindi na masyadon gbumenta si Orson Welles.
At dahil intelektwal tayo, mga taong akademya et al, tanggapin na nating kritikal tayo sa mga naririnig, nababasa, napapanood natin. Mas may kakayahang mag-articulate, dapat. Ito ang sinanay sa atin ng akademya. Dapat. Sana.
Pwede natin itangging hindi tayo kayang direktang utuin at i-brainwash ng midya, pero itatanggi ba natin na hindi tayo nito naiimpluwensyahan? Kahit kaunti?
Kung sasabihin mong hindi, pwede mo nang sabihin sa napakaraming taga-advertising firms na pwede na silang tumalon mula tuktok ng Quezon Circle tower dahil wala nang nagmamahal sa kanila.
Medyo malawak yung salitang 'tayo'. O sige, diretso na. Paano yung mga bata? (Magrefer sa video sa itaas at check mo din ito at ito na din.)
Concious, unconcious, forced o obedient -- may sinasabi ang mga teorya, may galamay ang midya na tumatagos sa cathode tube, lumalabas sa computer monitor, lumalampas sa mga pahina ng magazines at kumakawala sa mga speakers. At umaabot ito sa atin. Pramis.
Bagamat hindi ako naniniwalang isang nakabuyangyang na timba ang mga tao, tanggap lamang ng tanggap, hindi dapat luhuran ang kakayahan ng taong kontrolin ang pumapasok at tinatanggap ng sarili.
Mas gusto kong tanggapin ang dikotomiya ng isang internal na pagkatao at ang dialectics nito sa external na mga kundisyon - kilalanin ang pagpapasya ng internal na batay sa mga kundisyong ino-offer sa kanya ng kapaligiran.
Oo, may kakayahan tayong i-filter ang mga impormasyong tinatanggap natin, na minsan nga ay sumasablay din naman. E, paano yung higit na mga bata sa edad?
Gaano nga ba ka-inclusive ang midya sa pagkonsidera sa accessability, sa uri ng audience? Sa mga bata nga, halimbawa. Isasangkalan ba natin silang may pagka-vulnerable sa tadtaran ng Liberalismo at free market of ideas?
Ulit, may bitbit na ideolohiya ang mga bagay-bagay. Lalo pa sa midya, higit pa sa pagiging aksidental at inosente ang mga bitbit nito.
Quickie with theory:
***
Galing dito ang larawan:
http://go635254.s3.amazonaws.com/ecochildsplay/files/2008/12/tv500.jpg
Dito naman yung video:
http://www.youtube.com/watch?v=lCETgT_Xfzg
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment