Monday, December 28, 2009

Once upon a time


Sa klase ko sa Journalism 100 (History of Journalism), naging report ko ang tungkol sa Soviet-Communist Theory of the Press -- isa sa apat na mga teorya sa librong Four Theories of the Press.

Sinabi sa essay, wala naman talagang espesyal na teorya para sa midya ang Komunismo (o sa panahon ng pagkakasulat ng libro, ang sosyalistang Soviet Union).

Sa kabuuan ng mga teorya sa libro -- Libertarian, Authoritarian at Social Responsibility -- tanging yung huli ang sumasapol sa isang espesyal na teoryang nagbibigay takda sa "kung ano dapat" at "paano dapat" ang papel ng midya. Ang naunang dalawa, kasama na nga ang Soviet-Communist Theory, ay pawang masaklaw (sa politikal, ekonomiya, kultural, at sosyal) na ideolohiya.



Kailangan ang kahulugan. Kailangan ng paliwanag. Ito ang sinusubukang sapulin ng mga teorya, at sa lagay ng midya, ito nga ang (pag-aaralin namin sa)Communication at Media Theories.

Gusto kong i-pwesto ang 'teorya' sa pagitan ng salitang 'pagtataya' (assumption, o kung sa syentipikong kontexto: hypotheses) at 'katotohanan' (o pwede ring Law). Sa simplesidad, binubuo ang teorya mula sa mga karanasan at pagmamasid, pag-aaral sa mga ito, mga pattern ng epekto, maaaring pagababago o hindi pagbabago ng isang bagay o pangyayari o epekto ng isang bagay sa isang pangyayari.

Pero kung pumapailalim naman sa isang umbrella ideology, yun nga -- Libertarian, Authoriatarian -- ang mga paliwanag at kahulugan, para saan pa nga ang mga teorya?



Kung ipoposisyon ang teorya sa pagitan ng hypotheses at law, hindi naman ito nililimitahan doon. Pwedeng sa basurahan ang bagsak ng isang teorya, pagkatapos ng ilang taon? ilang panahon? Napakabilis na pagbabago, lalo na ng teknolohiya.

Tuwang-tuwa ako ng magkaroon ako ng cellphone noong high school! Nokia 5110. Hindi pa ako nagsasawa sa pagtetext, naiinggit na ako sa colored phone, camera, Java games, video recording, ha! Yung mga innovations na taon ang binibilang noon, dekada pa siguro, e nasasakop na ng dalawa? limang taon? tatlong buwan? Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapaglaro ng PSP. Tapos meron nang i Phone, etc. Kakawindang.

Kung hindi ka lang din siguro sobrang techie, maiiwan ka ng dynamics ng midya. At kung ganoon, bukas makalawa baka nasa kangkungan na ang ginagamit mong teorya.

Kaya ito ang bentahe ng teorya: kung bukas sa mga pagwawasto at may malawak na pagtanaw at pagwelcome sa mga pagababago, mapapatibay ito at mapapaunlad. Mas magiging malinaw. Mas ma-i-a-apply sa mas maraming phenomena. Mas maiintindihan ng mga tao.

Ang nakakatakot, some forms of theory mainly guide the decision-making of political and social elites, ayon kay Baran sa Mass Communication Theory, page 5 ng Chapter 1: Introduction.

Ang teorya, gaya ng lahat ng bagay, as in 'lahat', ay politikal. Mas politikal nga ito at asertib sa nais bitbiting politika kumpara sa mga simpleng bagay na minsan ay mas simboliko. (Note: Politikal, sa puntong ang lahat ng bagay ay may bahid ng ideolohiya, subtle na kung subtle (subtlest?), na ating nakuha mula sa dinatnang sistema, naipasang paniniwala at values, etc.)

Kaya hindi madulas sa akin ang kaisipan na ang midya, o ang isang media practitioner, ay dapat neutral. Magkaiba ang objektib sa neutral.

Halimbawa: "neutral" at walang bias dapat ang news reporting (kahit may malaking debate tungkol sa subjectivity ng isang balita). Ok. Tanggapin muna natin. Given.

Isa sa Elements of News, na pinakabasic sa mga nasa akademya na ang magandang balita ay dapat sariwa. May 'immediacy' ayon sa link. Panis na ang balitang hind kakapangyari lang. Ang tendensiya, matatabunan ng mga excluives at sariwang scoop (hindi baleng tungkol lamang sa artistang nahuling kabit pala ng isang politiko) ang kahit anong mas importante at malaking isyu.

Sinong nagtakda ng Elements of News? Sa anong panahon ito nilikha? Sa anong konteksto? bakit ito sinusunod? Bakit halos dogma na ito sa buong mundo? May mga panahon at lugar bang hindi ito aplikable? Saan at kailan? Madaming tanong!

Maganda, kahit medyo nakakatakot, ang magtanong. Mahusay ang kumwestiyon. Sa page 7 ni Baran, nandoon ang Three Questions about Media. Sa mga tanong, mahusay na nilakip ang mga tanong tungkol sa politika at ekonomiya ng midya, ng isang teorya ng midya at kung paano ito nagsisilbi sa isang sosyedad.

Once upon a time, noong maliliit pa tayo, naniniwala tayo agad sa sinasabing matatanda. Binibitin sa sako ang makukulit. Pinapatulog ng maaga ang palatanong. Pinapaluhod sa munggo ang masuwayin.Pinupuri ang masunurin at conformist.

E, ngayon?



***
mula dito ang mga chorva --
komiks 1: http://www.thadguy.com/comic/theory-of-everything/170/

larawan: http://www.mindfly.com/blog/image.axd?picture=2009%2F8%2Fsocial+media.jpg

komiks 2: http://www.toothpastefordinner.com/100305/the-conspiracy-theory.gif

No comments:

Post a Comment