Tuesday, March 9, 2010

On feminism

Hindi pala iisa ang mukha ng femnismo. Kaya pala noong minsang niyaya ang kasama han sa organisasyon (UP Ugnayan ng Manunulat) na miyembro ng Gabriela na magdiscuss tungkol sa feminismo, sabi nya, hindi tayo isang lecture matatapos. Nagbilang sya sa kamay ng ganito-ganyan at kung ano-anong kategorya ng feminismo.

Iba-iba. Gusto ko sanang gamitin yung cliché na “the more, the merrier” – na, o di sige, tanggapin natin ang lahat ng mga feminist theories, gamitin natin lahat at ituring na ayos lang ang bawat isa. Ano ba naman ang mawawala, pangkababaihan pa rin naman ang mga ito.

Halimbawa ni Rubi (Angelica Panganiban sa Rubi) at Jane (Judy Ann Santos sa Habang may Buhay). Girl power ang moda ng channel 2. Babae ang bida (at kontrabida, kung sa Rubi iyan). May mukha at representasyon na ang ga babae sa media. Magpaparty na tayo? Kung ganoon, dapat fiesta na tayo araw-araw noon pa. Bida na noon pa ang mga babae: sexy at “porno” films, bomba, ST, pati print media sa sexy magazines.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makapanayam ang Faculty Regent ng UP, si Prof. Judy Taguiwalo, na isang hardcore womens advocate at activist. Tinanong ko sya kung anong masasabi nya na ang umpugan mga isyu sa unibersidad ay ginagampanan ng mga babae: President GMA, UP President Roman, Student Regent Bañez, at siya. Muntik na niya siguro akong pukpukin. Pero hind kamay, kundi tanong ang pinukpok nya sa akin.

“Babae ka nga, pero para kanino ka ba?”

Iba-iba ang teoryang feminista. Tumatagos na nga ito pati sa sektor ng mga “queer”. Pero, ano pa man yan, mahalagang makita kung saan ba mas nagsisilbi ang teorya. Kung gagamitin sa media, kanino ang ganansya? Girl power na nang-a-under ng asawa? Girl power na liberal sa pagsirku-sirko sa kama? Girl power na hindi si Adan kundi si Eba pala ang tunay na nauna? Kanino ba itong pakinabang?

Hindi kasi nabubuhay ang mga babae sa vacuum. Babae - isama siya sa mga lalaki, estudyante, politika, media, trabahador, magsasaka, pulubi, negosyante – hawak nya ang kalahati ng langit at nakasingti sya sa kung saan may lalaki, kung saan may tao.

At kung pagpalaya, pagkilala at kapangyarihan ang gusto nating ibigay sa mga babae, hindi lang nila kailangang maging bida sa telenovela. Dapat bida sila hindi bilang babae, kundi bilang tao: bilang estudyante, bilang trabahador, bilang miyembro ng pamilya, bilang mamamayan, na may pagbibigay halaga sa sekswal na oryentasyon nila. Hindi special treatment kundi treatment kundi , isang halimbawa, kung paano natin ikukunsidera ang portrayal ng mga indigenous minoroties at iba pang sektor ng lipunan. Ibig sabihin, hindi ka nagpapalaya ng babae, o ng isang tao per se, kung walang sapat na sahod, hindi makapag-aral, hindi makapag-paospital – batayang kailangan (bago pa ang pangangailangan sa mini-skirt, make-up at nail polish (o kung kailangan nga ba ito?) – at hidn din sila mapaplaya kung walang pagpapahalaga sa katangian nila bilang babae.

Ito ang totoong girl power – people power.

No comments:

Post a Comment