14 years ago
Wednesday, December 30, 2009
Wong
Ang unang natatandaan kong "chick flick" na napanood ko, na concious ako sa pagpili at pagle-label na oo-chick-flck-ito-at-papanoorin-ko-ito, ay Sleepless in Seatle ni Hanks at Wilson. Gabi ng bagong taon noon kung hindi ako nagkakamali, maginaw, at nagsawa na ako sa mga artsy fartsy at dragging na movie na minarathon ko noong araw na iyon.
Mula yata noon, kasabay ng pagkaalam ko na hindi naman pala mortal na kasalanan ang panonood ng mga "cheesy" dahil ilan din sa mga progresibo kong kaibigan na akala mo ay pagkaseryo-seryoso sa buhay, ay may humaling din sa mga ganito. Madalas ay nahuhuli ako sa mga kwentuhan dahil marami na silang napanood kaysa sa akin.
Kung bakit may humaling sila sa mga ganitong klaseng pelikula, hindi ko tiyak. Pero kung ako ang tatanungin, 'kilig' lang din talaga ang habol ko.
(Medyo) Plastic na sabihing narrative, o production design, o acting, o cinematography ang pinakahinahanap ko sa mga ganitong genre ng pelikula. Haha. Mas madalas talaga, ay kung maganda ba yung bida, bagay ba sila nang kanayang kapareha at kung (sana) maraming mga linya na pwedeng gawing Facebook status.
HIndi man sadya (hindi nga kaya?) ay parang eskapismo ang labas ng panonood ng mga ganitong pelikula. Lalo na kung pinipilit na na dapat, dapat talaga, at wala nang iba, happy ending. Tipong: Lokohin mo ako, pelikula. Masaya ang mga kwentong pag-ibig. At ang first love ay hindi namamatay. Totoo ang soulmate at makakasalubong ko sya bukas. Nakapula.
Ito ang parang gratipikasyong hanap-hanap.
Hanggang sa makilala ko si Wong Kar-Wai sa isang film class at ang kanyang mga hindi happy ending na pelikula.
Mas malapit sa katotohanan ang istorya bilang naminimize ang romantisismo, medyo bawas sa kilig sa dulo.
Pero kakatwa, sa pagkabali ng mga paniniwala ng happy ending, mas hinanap-hanap naman ang mga ganitong timpla ng pelikula. Ito at ang mga cheesy chick flicks. Halo, 50/50.
Mula sa nagbabagong expectations, sa gamit at gratipikasyong natatamasa sa mga pelikula, maging sa pag-iiba ng mga aral(?) na binibigay ng mga hindi na happy ending na chick flick, pwede pa lang maging dependent ka pa rin dito? O patuloy na tumangkilik dito.
Hindi ko alam kung nag-aaplpy sa ganitong pagkakataon ang mga teorya sa ibaba, o nalilimitahan sila sa pisikal na paggamit sa teknolohiya ng midya (i.e. TV, radyo, internet, cellphone, i Pod).
Quickie with theory:
***
larawan 1:
http://images.allmoviephoto.com/2009_(500)_Days_of_Summer/2009_500_days_of_summer_wallpaper_004.jpg
larawan 2:
http://www.quangtruong.net/wp-content/uploads/2009/11/Chungking-Express.jpg
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment