Tuesday, March 9, 2010

On critical (cultural) theories

Maraming masasabi tungkol sa ideya of Marxism: anti-capitalism stance, its materialistic approach to the almost all discourses and its ideological foundation for the triumph of communism, the bourgeoisie and the proletariats. It is critical.

Critical. Nagasgas na nang sobra-sobra yung salita na ito pagpasok ko ng UP. Para na siyang sinlawak ng mga salitang “world peace” kapag sinasagot sa beauty contest, o “no to corruption” na tag line ng mga nangangampanya sa local electoral. Para syang automatic laurel leaf kapag nakapasok ng UP: the UP upholds its tradition on being critical of its society, syempre damay ang mga student, pati mga professor. Isama mo na yung curriculum at courses offered. Pati kaya yung mga patay na dahon ng acacia sa acad oval.

Cultural critical. Sa media, ganito ang tawag sa mga teorya at analytical processes at framework na gumagamit ng point of view ni Marx, kasama na ng lahat ng maka-Kaliwa (dahil may Kanan: gobyerno, estado, pwedeng relihiyon at paaralan at lahat ng may mayor na control sa lipunan) niyang friends (Barthes, Lacan, Gramsci, Zizek, and many more) . At dahil on the opposite side of the world ang teoryang ito, na siyang pinakamatulis na kritiko ng Kanan, madalas hindi ganoon ka-init ang pagtanggap ng lipunan dito kung hindi man agad na dinidismiss at hindi pinapansin. Sa UP, may “pagpapanggap” pa ng pagiging bukas sa mga ganitong kaisipan (re: May subject pa ba na Political Economy pa ba sa School of Economics?) para may maipagmalaking academic freedom.

Sa akin, ang pinakamahalaga naman sa critical cultural analysis ay yung power play sa industriya (midya man o kahit saanng sector ng lipunan). May konsepto ng “power” (economic ang pinakmadaling suriin at dahil may material na batayan, pera at pag-aari, political at social at iba pa) kasi mayroong “walang power” o kaunti ang “power”. May masusunod at may susunod, may nasa itaas at nasa ibaba. At hindi malayo na may abuse ng power/ pagsasamantala. Kapag kilala na ang power, tsaka ito kritikal (que pabor o hindi pabor sa awtoridad, sige lang; hind konserbatibo, binabali-baliktad ang sistema, inaalog at pumupuna – sa mabubuti, lalol na sa mga sablay-sablay) na na suriin. And the rest is history.

Balik tayo sa UP. Anong base ng kritikal na pag-analisa ang gagamitin mo kung sarado na ang pinto mo sa mga teoryang kritikal (revolutionary nga kasi questioning at non-conforming)? Ito ang challenge sa kayabangan ng UP bilang kritikal. Pagtabihin ang mga teorya. Buksan ito sa mga estudyante at propesor. Tapos, tsaka hayaang pagbungguin, kasi likas na magkokontra ang magkabilang dulo ng kaisipan.

At nakakatakot, magagawa lang ng UP ito kung may mandato ito ng kalayaan. Kung buong-buo ang awtonomiya (hindi kasali ang awtonomiya sa subsidy at budget) nito mula sa gobyerno. Kailangan nito ang tulong pinansyla ng pamahalaan, kung hindi, mamamalimos ito sa mga donasyon ng pribado at pilantropo, mga korporasyon at industriya na ibang-iab ang oryentasyon, at matatali ito sa utang na loob sa mga mayayamang ito. At alam naman natin kugn paanong ang mga pribadong industriya ay dapat maging kasundo ng pamahalaan at mga power player ng lipunan, for “smooth sailing” purposes. At babalik lang tayo: sa Kanan naka-pattern ang mayor ng mga ito, paano ka ngayon mag-fi-fit-in?

No comments:

Post a Comment