Wednesday, December 30, 2009

Wong


Ang unang natatandaan kong "chick flick" na napanood ko, na concious ako sa pagpili at pagle-label na oo-chick-flck-ito-at-papanoorin-ko-ito, ay Sleepless in Seatle ni Hanks at Wilson. Gabi ng bagong taon noon kung hindi ako nagkakamali, maginaw, at nagsawa na ako sa mga artsy fartsy at dragging na movie na minarathon ko noong araw na iyon.

Mula yata noon, kasabay ng pagkaalam ko na hindi naman pala mortal na kasalanan ang panonood ng mga "cheesy" dahil ilan din sa mga progresibo kong kaibigan na akala mo ay pagkaseryo-seryoso sa buhay, ay may humaling din sa mga ganito. Madalas ay nahuhuli ako sa mga kwentuhan dahil marami na silang napanood kaysa sa akin.



Kung bakit may humaling sila sa mga ganitong klaseng pelikula, hindi ko tiyak. Pero kung ako ang tatanungin, 'kilig' lang din talaga ang habol ko.

(Medyo) Plastic na sabihing narrative, o production design, o acting, o cinematography ang pinakahinahanap ko sa mga ganitong genre ng pelikula. Haha. Mas madalas talaga, ay kung maganda ba yung bida, bagay ba sila nang kanayang kapareha at kung (sana) maraming mga linya na pwedeng gawing Facebook status.

HIndi man sadya (hindi nga kaya?) ay parang eskapismo ang labas ng panonood ng mga ganitong pelikula. Lalo na kung pinipilit na na dapat, dapat talaga, at wala nang iba, happy ending. Tipong: Lokohin mo ako, pelikula. Masaya ang mga kwentong pag-ibig. At ang first love ay hindi namamatay. Totoo ang soulmate at makakasalubong ko sya bukas. Nakapula.

Ito ang parang gratipikasyong hanap-hanap.


Hanggang sa makilala ko si Wong Kar-Wai sa isang film class at ang kanyang mga hindi happy ending na pelikula.

Mas malapit sa katotohanan ang istorya bilang naminimize ang romantisismo, medyo bawas sa kilig sa dulo.

Pero kakatwa, sa pagkabali ng mga paniniwala ng happy ending, mas hinanap-hanap naman ang mga ganitong timpla ng pelikula. Ito at ang mga cheesy chick flicks. Halo, 50/50.

Mula sa nagbabagong expectations, sa gamit at gratipikasyong natatamasa sa mga pelikula, maging sa pag-iiba ng mga aral(?) na binibigay ng mga hindi na happy ending na chick flick, pwede pa lang maging dependent ka pa rin dito? O patuloy na tumangkilik dito.

Hindi ko alam kung nag-aaplpy sa ganitong pagkakataon ang mga teorya sa ibaba, o nalilimitahan sila sa pisikal na paggamit sa teknolohiya ng midya (i.e. TV, radyo, internet, cellphone, i Pod).



Quickie with theory:




***
larawan 1:
http://images.allmoviephoto.com/2009_(500)_Days_of_Summer/2009_500_days_of_summer_wallpaper_004.jpg


larawan 2:
http://www.quangtruong.net/wp-content/uploads/2009/11/Chungking-Express.jpg

Monkey See, Monkey Do?




Ok. Humanist ako sa isang banda. Hindi naman talaga ako naniniwalang nadidiktahan ang tao ng midya. Kung nangyari man iyon noon, hindi ko din alam kung ano talagang paliwanag, pero kung sa ngayon siguro ito ay baka hindi na masyadon gbumenta si Orson Welles.

At dahil intelektwal tayo, mga taong akademya et al, tanggapin na nating kritikal tayo sa mga naririnig, nababasa, napapanood natin. Mas may kakayahang mag-articulate, dapat. Ito ang sinanay sa atin ng akademya. Dapat. Sana.

Pwede natin itangging hindi tayo kayang direktang utuin at i-brainwash ng midya, pero itatanggi ba natin na hindi tayo nito naiimpluwensyahan? Kahit kaunti?

Kung sasabihin mong hindi, pwede mo nang sabihin sa napakaraming taga-advertising firms na pwede na silang tumalon mula tuktok ng Quezon Circle tower dahil wala nang nagmamahal sa kanila.




Medyo malawak yung salitang 'tayo'. O sige, diretso na. Paano yung mga bata? (Magrefer sa video sa itaas at check mo din ito at ito na din.)

Concious, unconcious, forced o obedient -- may sinasabi ang mga teorya, may galamay ang midya na tumatagos sa cathode tube, lumalabas sa computer monitor, lumalampas sa mga pahina ng magazines at kumakawala sa mga speakers. At umaabot ito sa atin. Pramis.

Bagamat hindi ako naniniwalang isang nakabuyangyang na timba ang mga tao, tanggap lamang ng tanggap, hindi dapat luhuran ang kakayahan ng taong kontrolin ang pumapasok at tinatanggap ng sarili.

Mas gusto kong tanggapin ang dikotomiya ng isang internal na pagkatao at ang dialectics nito sa external na mga kundisyon - kilalanin ang pagpapasya ng internal na batay sa mga kundisyong ino-offer sa kanya ng kapaligiran.

Oo, may kakayahan tayong i-filter ang mga impormasyong tinatanggap natin, na minsan nga ay sumasablay din naman. E, paano yung higit na mga bata sa edad?

Gaano nga ba ka-inclusive ang midya sa pagkonsidera sa accessability, sa uri ng audience? Sa mga bata nga, halimbawa. Isasangkalan ba natin silang may pagka-vulnerable sa tadtaran ng Liberalismo at free market of ideas?

Ulit, may bitbit na ideolohiya ang mga bagay-bagay. Lalo pa sa midya, higit pa sa pagiging aksidental at inosente ang mga bitbit nito.


Quickie with theory:



***
Galing dito ang larawan:
http://go635254.s3.amazonaws.com/ecochildsplay/files/2008/12/tv500.jpg

Dito naman yung video:
http://www.youtube.com/watch?v=lCETgT_Xfzg

Monday, December 28, 2009

Once upon a time


Sa klase ko sa Journalism 100 (History of Journalism), naging report ko ang tungkol sa Soviet-Communist Theory of the Press -- isa sa apat na mga teorya sa librong Four Theories of the Press.

Sinabi sa essay, wala naman talagang espesyal na teorya para sa midya ang Komunismo (o sa panahon ng pagkakasulat ng libro, ang sosyalistang Soviet Union).

Sa kabuuan ng mga teorya sa libro -- Libertarian, Authoritarian at Social Responsibility -- tanging yung huli ang sumasapol sa isang espesyal na teoryang nagbibigay takda sa "kung ano dapat" at "paano dapat" ang papel ng midya. Ang naunang dalawa, kasama na nga ang Soviet-Communist Theory, ay pawang masaklaw (sa politikal, ekonomiya, kultural, at sosyal) na ideolohiya.



Kailangan ang kahulugan. Kailangan ng paliwanag. Ito ang sinusubukang sapulin ng mga teorya, at sa lagay ng midya, ito nga ang (pag-aaralin namin sa)Communication at Media Theories.

Gusto kong i-pwesto ang 'teorya' sa pagitan ng salitang 'pagtataya' (assumption, o kung sa syentipikong kontexto: hypotheses) at 'katotohanan' (o pwede ring Law). Sa simplesidad, binubuo ang teorya mula sa mga karanasan at pagmamasid, pag-aaral sa mga ito, mga pattern ng epekto, maaaring pagababago o hindi pagbabago ng isang bagay o pangyayari o epekto ng isang bagay sa isang pangyayari.

Pero kung pumapailalim naman sa isang umbrella ideology, yun nga -- Libertarian, Authoriatarian -- ang mga paliwanag at kahulugan, para saan pa nga ang mga teorya?



Kung ipoposisyon ang teorya sa pagitan ng hypotheses at law, hindi naman ito nililimitahan doon. Pwedeng sa basurahan ang bagsak ng isang teorya, pagkatapos ng ilang taon? ilang panahon? Napakabilis na pagbabago, lalo na ng teknolohiya.

Tuwang-tuwa ako ng magkaroon ako ng cellphone noong high school! Nokia 5110. Hindi pa ako nagsasawa sa pagtetext, naiinggit na ako sa colored phone, camera, Java games, video recording, ha! Yung mga innovations na taon ang binibilang noon, dekada pa siguro, e nasasakop na ng dalawa? limang taon? tatlong buwan? Sa totoo lang, hindi pa ako nakakapaglaro ng PSP. Tapos meron nang i Phone, etc. Kakawindang.

Kung hindi ka lang din siguro sobrang techie, maiiwan ka ng dynamics ng midya. At kung ganoon, bukas makalawa baka nasa kangkungan na ang ginagamit mong teorya.

Kaya ito ang bentahe ng teorya: kung bukas sa mga pagwawasto at may malawak na pagtanaw at pagwelcome sa mga pagababago, mapapatibay ito at mapapaunlad. Mas magiging malinaw. Mas ma-i-a-apply sa mas maraming phenomena. Mas maiintindihan ng mga tao.

Ang nakakatakot, some forms of theory mainly guide the decision-making of political and social elites, ayon kay Baran sa Mass Communication Theory, page 5 ng Chapter 1: Introduction.

Ang teorya, gaya ng lahat ng bagay, as in 'lahat', ay politikal. Mas politikal nga ito at asertib sa nais bitbiting politika kumpara sa mga simpleng bagay na minsan ay mas simboliko. (Note: Politikal, sa puntong ang lahat ng bagay ay may bahid ng ideolohiya, subtle na kung subtle (subtlest?), na ating nakuha mula sa dinatnang sistema, naipasang paniniwala at values, etc.)

Kaya hindi madulas sa akin ang kaisipan na ang midya, o ang isang media practitioner, ay dapat neutral. Magkaiba ang objektib sa neutral.

Halimbawa: "neutral" at walang bias dapat ang news reporting (kahit may malaking debate tungkol sa subjectivity ng isang balita). Ok. Tanggapin muna natin. Given.

Isa sa Elements of News, na pinakabasic sa mga nasa akademya na ang magandang balita ay dapat sariwa. May 'immediacy' ayon sa link. Panis na ang balitang hind kakapangyari lang. Ang tendensiya, matatabunan ng mga excluives at sariwang scoop (hindi baleng tungkol lamang sa artistang nahuling kabit pala ng isang politiko) ang kahit anong mas importante at malaking isyu.

Sinong nagtakda ng Elements of News? Sa anong panahon ito nilikha? Sa anong konteksto? bakit ito sinusunod? Bakit halos dogma na ito sa buong mundo? May mga panahon at lugar bang hindi ito aplikable? Saan at kailan? Madaming tanong!

Maganda, kahit medyo nakakatakot, ang magtanong. Mahusay ang kumwestiyon. Sa page 7 ni Baran, nandoon ang Three Questions about Media. Sa mga tanong, mahusay na nilakip ang mga tanong tungkol sa politika at ekonomiya ng midya, ng isang teorya ng midya at kung paano ito nagsisilbi sa isang sosyedad.

Once upon a time, noong maliliit pa tayo, naniniwala tayo agad sa sinasabing matatanda. Binibitin sa sako ang makukulit. Pinapatulog ng maaga ang palatanong. Pinapaluhod sa munggo ang masuwayin.Pinupuri ang masunurin at conformist.

E, ngayon?



***
mula dito ang mga chorva --
komiks 1: http://www.thadguy.com/comic/theory-of-everything/170/

larawan: http://www.mindfly.com/blog/image.axd?picture=2009%2F8%2Fsocial+media.jpg

komiks 2: http://www.toothpastefordinner.com/100305/the-conspiracy-theory.gif