Saturday, March 13, 2010

What is your lens?



What is your lens?


I look at things with conscious choices.

We choose on how to see things

whether fully aware of or not –

the certainty is that,

we look and choose with a choice.


And our choice is not pristine


It is contaminated,

cumulative of years and years of social exposure,

and theory.


Our choice is our theory.


Our theory is a choice.


These choices reflects ideology:

breathe ideals.


I am my ideology,

we are our own ideology.


In our choice of clothes, cellular phone, books, favorite TV shows, food, writing style down to our opinions on politics, economy, culture, relations, religions, education, media, technology;


a choice is not automatic.


Same as the mass media’s role is not as automatic

as stating that we are watchdog

nor with elusive and imposing metaphors.


I am not a bulldog, pit bull, terrier, beagle, dalmatian.


I have a responsibility

for mass reproduction and mass reach.


But I cannot reach everybody;

I cannot be for all, every one.


Universality is defunct.


Because a choice is always bias

to a class,

to your class,


A choice is not automatic.

A rice cooker is automatic.

I am not a rice cooker.


I ask:

who has the power.

I ask:

who has the influence.


And I challenge, I dare, I compare.


I ask:

who is my mass?


I am mass bias.


I am bias on being critical


Ang being critical is not a state of mind,

or a facebook status,

or just a UP tradition.


It is a challenges danger and risks,

it dares all authority and established control,

it compares norms and lack of it.


A critical theory is a choice.


And to act on plural,

To see on multi-lenses is not critical.


Are you yourself and not yourself at the same time?


Question your choice.

Clear your lens.


Tuesday, March 9, 2010

On feminism

Hindi pala iisa ang mukha ng femnismo. Kaya pala noong minsang niyaya ang kasama han sa organisasyon (UP Ugnayan ng Manunulat) na miyembro ng Gabriela na magdiscuss tungkol sa feminismo, sabi nya, hindi tayo isang lecture matatapos. Nagbilang sya sa kamay ng ganito-ganyan at kung ano-anong kategorya ng feminismo.

Iba-iba. Gusto ko sanang gamitin yung cliché na “the more, the merrier” – na, o di sige, tanggapin natin ang lahat ng mga feminist theories, gamitin natin lahat at ituring na ayos lang ang bawat isa. Ano ba naman ang mawawala, pangkababaihan pa rin naman ang mga ito.

Halimbawa ni Rubi (Angelica Panganiban sa Rubi) at Jane (Judy Ann Santos sa Habang may Buhay). Girl power ang moda ng channel 2. Babae ang bida (at kontrabida, kung sa Rubi iyan). May mukha at representasyon na ang ga babae sa media. Magpaparty na tayo? Kung ganoon, dapat fiesta na tayo araw-araw noon pa. Bida na noon pa ang mga babae: sexy at “porno” films, bomba, ST, pati print media sa sexy magazines.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makapanayam ang Faculty Regent ng UP, si Prof. Judy Taguiwalo, na isang hardcore womens advocate at activist. Tinanong ko sya kung anong masasabi nya na ang umpugan mga isyu sa unibersidad ay ginagampanan ng mga babae: President GMA, UP President Roman, Student Regent Bañez, at siya. Muntik na niya siguro akong pukpukin. Pero hind kamay, kundi tanong ang pinukpok nya sa akin.

“Babae ka nga, pero para kanino ka ba?”

Iba-iba ang teoryang feminista. Tumatagos na nga ito pati sa sektor ng mga “queer”. Pero, ano pa man yan, mahalagang makita kung saan ba mas nagsisilbi ang teorya. Kung gagamitin sa media, kanino ang ganansya? Girl power na nang-a-under ng asawa? Girl power na liberal sa pagsirku-sirko sa kama? Girl power na hindi si Adan kundi si Eba pala ang tunay na nauna? Kanino ba itong pakinabang?

Hindi kasi nabubuhay ang mga babae sa vacuum. Babae - isama siya sa mga lalaki, estudyante, politika, media, trabahador, magsasaka, pulubi, negosyante – hawak nya ang kalahati ng langit at nakasingti sya sa kung saan may lalaki, kung saan may tao.

At kung pagpalaya, pagkilala at kapangyarihan ang gusto nating ibigay sa mga babae, hindi lang nila kailangang maging bida sa telenovela. Dapat bida sila hindi bilang babae, kundi bilang tao: bilang estudyante, bilang trabahador, bilang miyembro ng pamilya, bilang mamamayan, na may pagbibigay halaga sa sekswal na oryentasyon nila. Hindi special treatment kundi treatment kundi , isang halimbawa, kung paano natin ikukunsidera ang portrayal ng mga indigenous minoroties at iba pang sektor ng lipunan. Ibig sabihin, hindi ka nagpapalaya ng babae, o ng isang tao per se, kung walang sapat na sahod, hindi makapag-aral, hindi makapag-paospital – batayang kailangan (bago pa ang pangangailangan sa mini-skirt, make-up at nail polish (o kung kailangan nga ba ito?) – at hidn din sila mapaplaya kung walang pagpapahalaga sa katangian nila bilang babae.

Ito ang totoong girl power – people power.

On linguistics based theories

E, di nagsususlat nga ako sa Filipino, ng tula at, minsan, maikling kwento o kaya ay dagli (hindi mahusay). Tambay din ako sa College of Arts and Letters, dahil nandoon ang isa sa organisasyon ko at karamihan sa kaibigan ko ay taga-CAL.

Mahilig ako sa panitikan. Sa kasalukuyan, plano ko nga na ang kuning mga elective na kurso ay tungkol sa panitikan, teoryang pampanitikan at pagsulat. Kung bakit kasi hindi pa ako sa CAL nagshift kung magsusulat lang din ako, at sa CMC pa, mula sa Engineering, madalas na kantiyaw ng mga kaibigan.

At gusto ko lang sabihin talaga, dahil may kakaunting malay ako sa mga bagay tungkol sa panitikan, teorya ng wika at pagsulat (komunikasyon) mula sa atom nito – kalakip ng usapin ng sikolohiya, kultura, etc. – ay hindi ko maiwasang magkumpara.

Magkaiba nga naman ang CMC at CAL. Ibang oryentasyon. Mas marketable ang CMC courses (baka nga kaya sa CMC ako lumipat at hidni sa CAL?). Pero parehas na nagsusulat. At ang mismong esensya ng pagtalakaay sa communication theory, na tinaalakay din sa CAL, mas mabutbot nga lang, ay malinaw na nagsasabing may hinahabol na koneksyon ang isa sa isa. Ang pagsubok na maging kritikal at analiktiko sa pamamagitan ng pagbalik sa pinakabase ng komunikasyon – dahil parehas ngang ginagamit/ gamit na gamit ng dalawang kolehiyo.

Palaging sinasabi ng propesor naming sa news writing, higit na mahusay ang mga estudyante noon, noong isang institute pa lamang ang CAL at nasa ilalim ng departamento ng ingles at komunikasyon. Subjective, syempre, ang gamit ng salitang “husay”, at, malamang, ay panahon niya ang kaniyang tinutukoy. Kung sa akin, mas kapansin-pansin sa akin ang laki ng nilalaktawan ng Masscomm para maging Masscom bilang isang kolehiyo/ kurso ng komunikasyon.

Sa pagsusulat at pagbrobrodcast, ang usapin ng “objectivity”, ng “universality”, ng ideological biases at framework, ang ugat ng salita at lenggwahe at ang panganib at problema ng walang-malay at bigla-biglang paggamit nito, ang mga diskurso ng pagpili ng paksa at pagbasa ng isang texto – masalimuot na mga problema ng panitikan. Usaping hanggang ngyon ay probema pa rin(?) Na iniiwasan, kung hindi man tuluyang pinababayaan, na pagtuunan ng pansin ng Masscomm. Kakatwa, kasi mas malawak ang saklaw/ masasaklaw na audience ng mga estudyante ng Masscomm kumpara sa maaabot ng mga estudyante ng panitikan.

Natalakay sa klase ang linguistics based theories, ng ga ilang minuto, na ilang linggo naming pinagdebatehan sa isang klase tungkol sa politika at panlipunang halaga ng panitikan, na sa katotohanan ay tumutukoy sa lahat ng uri ng panitikan/ sulatin.

Buhay ang hilig ko sa media at teknolohiya ng pangmadlang komunikasyon. Kaso, mas madalas ko talagang idinidikit ang mga natatalakay sa panitikan, isyu ng kasalukuyan kaysa sa mga palabas sa TV, pelikula at peryodismo. Nakakalungkot lang na mas product-oriented, market-based at sell-lability na ang latag ng curriculum (ano pa nga ba ang inaasahan ko?) at kahit siguro ang buong kolehiyo (magagalit kaya sa akin ang facuty kung mabasa ito?) o ang buong educational system.

Isang halimbawa: workshop sa isang writing class sa journalism – ang karaniwang tanong ay “Saang diyaryo mo kaya pwedeng i-publish yan?” o “Sino ang audience at market mo sa artikulong iyan?” Hindi ito pagbibigay pugay sa kabilang kolehiyo. Sa totoo, halos ganito na din ang tanungan sa pagwo-workshop ng mga akda doon.

Ano kaya ang masasabi ni Derrida at Foucault?

On critical (cultural) theories

Maraming masasabi tungkol sa ideya of Marxism: anti-capitalism stance, its materialistic approach to the almost all discourses and its ideological foundation for the triumph of communism, the bourgeoisie and the proletariats. It is critical.

Critical. Nagasgas na nang sobra-sobra yung salita na ito pagpasok ko ng UP. Para na siyang sinlawak ng mga salitang “world peace” kapag sinasagot sa beauty contest, o “no to corruption” na tag line ng mga nangangampanya sa local electoral. Para syang automatic laurel leaf kapag nakapasok ng UP: the UP upholds its tradition on being critical of its society, syempre damay ang mga student, pati mga professor. Isama mo na yung curriculum at courses offered. Pati kaya yung mga patay na dahon ng acacia sa acad oval.

Cultural critical. Sa media, ganito ang tawag sa mga teorya at analytical processes at framework na gumagamit ng point of view ni Marx, kasama na ng lahat ng maka-Kaliwa (dahil may Kanan: gobyerno, estado, pwedeng relihiyon at paaralan at lahat ng may mayor na control sa lipunan) niyang friends (Barthes, Lacan, Gramsci, Zizek, and many more) . At dahil on the opposite side of the world ang teoryang ito, na siyang pinakamatulis na kritiko ng Kanan, madalas hindi ganoon ka-init ang pagtanggap ng lipunan dito kung hindi man agad na dinidismiss at hindi pinapansin. Sa UP, may “pagpapanggap” pa ng pagiging bukas sa mga ganitong kaisipan (re: May subject pa ba na Political Economy pa ba sa School of Economics?) para may maipagmalaking academic freedom.

Sa akin, ang pinakamahalaga naman sa critical cultural analysis ay yung power play sa industriya (midya man o kahit saanng sector ng lipunan). May konsepto ng “power” (economic ang pinakmadaling suriin at dahil may material na batayan, pera at pag-aari, political at social at iba pa) kasi mayroong “walang power” o kaunti ang “power”. May masusunod at may susunod, may nasa itaas at nasa ibaba. At hindi malayo na may abuse ng power/ pagsasamantala. Kapag kilala na ang power, tsaka ito kritikal (que pabor o hindi pabor sa awtoridad, sige lang; hind konserbatibo, binabali-baliktad ang sistema, inaalog at pumupuna – sa mabubuti, lalol na sa mga sablay-sablay) na na suriin. And the rest is history.

Balik tayo sa UP. Anong base ng kritikal na pag-analisa ang gagamitin mo kung sarado na ang pinto mo sa mga teoryang kritikal (revolutionary nga kasi questioning at non-conforming)? Ito ang challenge sa kayabangan ng UP bilang kritikal. Pagtabihin ang mga teorya. Buksan ito sa mga estudyante at propesor. Tapos, tsaka hayaang pagbungguin, kasi likas na magkokontra ang magkabilang dulo ng kaisipan.

At nakakatakot, magagawa lang ng UP ito kung may mandato ito ng kalayaan. Kung buong-buo ang awtonomiya (hindi kasali ang awtonomiya sa subsidy at budget) nito mula sa gobyerno. Kailangan nito ang tulong pinansyla ng pamahalaan, kung hindi, mamamalimos ito sa mga donasyon ng pribado at pilantropo, mga korporasyon at industriya na ibang-iab ang oryentasyon, at matatali ito sa utang na loob sa mga mayayamang ito. At alam naman natin kugn paanong ang mga pribadong industriya ay dapat maging kasundo ng pamahalaan at mga power player ng lipunan, for “smooth sailing” purposes. At babalik lang tayo: sa Kanan naka-pattern ang mayor ng mga ito, paano ka ngayon mag-fi-fit-in?